MGA KAPWA PINOY AT PINAY NG MGA BARANGAY!
Magandang araw at magandang gabi sa inyo. Ngayon na ang panahon upang tayo ay makipagbalitaktakan sa pamamagitan ng internet.
Ang pangalan ng ating blog, itong nakasulat na ito ay ASENSOBARANGAY! sapagka't nais nating dumating sa bawa't sulok ng Pilipinas, sa lahat ng mga barangay sa 7,1000++ isla natin ang tunay na magagandang proyekto at programa ng gubyerno, at makalasap ng lahat ng mga benepisyo sa pakiki-ugnay man sa mga pribadong institusyon at kumpanya.
Nais nating umunlad ang mga tao, bata man o matanda, babae man o lalaki, o anupamang kasarian, anumang kulay, anumang bahagdan nabibilang sa ating lipunan.
Dito ay maaari kayong magbigay ng inyong mga kuru-kuro at mga ideya kung paanong patatakbuhin ang barangay.
Kaya't halina at makinabang sa libreng espasyong ito ngayon din. !
(Ako si Emma Orozco, ang nagsimula ng blog na ito upang matamo natin ang ating mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga kuru-kuro sa buhay.)
Tuesday, March 31, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment